Nahati ang katawan ng isang lalaki sa General Trias, Cavite matapos masagasaan ng kotse at makaladkad ng truck.
Ayon sa ulat ni Jonathan Andal sa 24 Oras Weekend, nangyari ang insidente Sabado ng gabi sa Barangay San Francisco.
Bumaba noon sa bus ang biktima na bus conduktor at patawid na sana ng kalsada para gumarahe, nang mabangga ng isang kotse at makaladkad pa ng nakasalubong na dump truck.
Hinabol ng pulis ang kotse at agad inaresto ang driver. Hinahanap naman ang driver ng dump truck.
Tumangging magbigay ng panayam ang General Trias Police at hindi rin pinayagan ang GMA Integrated News na kausapin ang suspek.
Sabi ng kapitan ng barangay, hindi ito ang unang beses na may nadisgrasya sa naturang highway.
“Makikipagtulungan kami sa aming LGU at sa provincial [government] para magkaroon kami ng rumble strips [at] pandadaagdag sa mga early warning device namin…pagpipintura uli panibago ng pedestrian lanes,” ani Barangay San Francisco barangay chairman Ryan Santor. — BM GMA Integrated News
Konsehal na bumaril sa bise alkalde ng Ibajay, Aklan, sinampahan na ng reklamong murder
Pagsalpok ng humaharurot na motorsiklo sa multicab, nahuli-cam sa Cebu; 1, patay
3 suspected DI-Maute members killed, 3 arrested in Lumbayanague, Lanao del Sur

Leave a Comment