Sinabi ng dating congressman na si Ace Barbers na hindi nakialam si Speaker Martin Romualdez sa flood control projects sa Dasmariñas City sa Cavite nang maging caretaker ito ng distrito nang pumanaw ang kongresista na si Elpidio Barzaga.
Inihayag ito Barbers, bagong talagang tagapagsalita ni Romualdez, bilang reaksyon sa pahayag ni Dasmariñas City Rep. Kiko Barzaga, na dapat imbestigahan ang lider ng Kamara de Representantes sa mga flood control project na ipinatupad sa kaniyang distrito nang maging caretaker nang pumanaw ang kaniyang amang si Elpidio noong Abril 2024.
“With regard to the statements of Rep. Barzaga, I can say with certainty: When Speaker Romualdez served as caretaker of the late Rep. Elpidio ‘Pidi’ Barzaga Jr.’s district, his role was purely administrative. He did not interfere in infrastructure projects or funding decisions,” ani Barbers, na dating kongresista ng Surigao del Norte na nagtapos ang termino.
“His office ensured the continuation of essential services, retained key district staff, and upheld the late congressman’s commitment to his constituents during a time of transition,” dagdag niya.
Ayon kay Barbers, bukas si Romualdez na makausap ang nakababatang Barzaga kung nais nitong malinawan tungkol sa usapin.
Sinabi rin ng dating kongresista na walang balak si Romualdez na magbitiw bilang Speaker, at nananatili umano ang suporta ng mga mambabatas sa huli.
“It has not actually crossed the border of getting the interest of the majority of the members. In fact, the majority bloc showed support for the Speaker. I would say he is supported by at least 90% of House members,” pahayag niya.
“Walang plano mag-resign [si Speaker], walang plano ng pagtatanggal at wala rin plano na magkaroon ng palit ng liderato rito sa Kamara,” dagdag niya.
Inihayag din ng kaalyado ni Romualdez na solido ang suporta ng mayorya sa liderato nito sa Kamara.
“There is no change of leadership,” ani Deputy Speaker and La Union Rep. Paolo Ortega V. “There are a lot of rumors around. Mga bulong-bulong. Tawag lang ‘yung naririnig ko. But as you can see, the House is solid, and there’s no change in the leadership.”
Inihayag ito ni Ortega kasunod ng ulat na umalis si Barzaga sa kinaaniban nitong partido na National Unity Party (NUP), matapos paghinalaan na sangkot sa planong kudeta laban kay Romualdez.
Ayon kay Ortega, nagkaroon kamakailan ng pagpupulong ang mga lider ng iba’t ibang partido na sumusuporta kay Romualdez. Kabilang sa mga dumalo ang anak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na si House Majority Leader Sandro Marcos.
“Nagkakaisa po ang House of Representatives. Nandun po lahat ng party leaders, at naroon po ang aming Majority Floor Leader,” ani Ortega.
Matatandaan na kabilang ang pangalan ni Romualdez sa mga binanggit sa Senate hearing ng mag-asawang kontratista na sina Pacifico at Sarah Discaya, na mga mambabatas na sangkot umano sa anomalya sa flood control projects.
Pero sa pagdinig sa Kamara, nilinaw ni Pacifico na wala silang direktang transaksyon kay Romualdez, at maaaring may gumamit lang sa pangalan nito. — mula sa ulat ni Llanesca T. Panti/FRJ GMA Integrated News
Mister, ‘di mailabas ang labi ng kaniyang pumanaw na misis sa ospital dahil sa mahigit P1-M balanse na bayarin
Gatchalian, De Lima sa pagtigil umano ng S.Korea ng pautang sa Pilipinas dahil sa korupsiyon: ‘Nakakahiya’
South Korea, itinigil ang P28-B loan sa Pilipinas dahil sa isyu ng korupsiyon; walang ganoong pautang, ayon sa DOF

Leave a Comment