MANILA, Philippines — Walang awang pinaghahampas ng isang pickup driver ang matandang bus driver sa Silang, Cavite.
Sa video na kumalat sa social media, makikitang ilang ulit niyang sinuntok ang bus driver matapos umanong magkabanggaan ang kanilang mga sasakyan.
Sinuspinde ng Land Transportation Office ng siyamnapung (90) araw ang lisensya ng pick-up driver, pinadalhan na rin ng Show Cause Order si ang suspect at pinadadalo sa pagdinig para ipaliwanag kung bakit hindi siya dapat kasuhan ng reckless driving at obstruction, at kung bakit hindi dapat tuluyang kanselahin ang kanyang lisensya.
Ayon kay Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez, walang puwang sa kalsada ang mga abusadong driver.
Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!
Signup for the News Round now



Leave a Comment